POSO-TRU San Pedro

POSO-TRU San Pedro Ensuring the safety of passengers and vehicles and monitoring their compliance with policies.

PABATID SA PUBLIKO!Para sa mga naghihintay ng update hinggil sa ayuda ng DSWD Fuel Subsidy, ang POSO–TRU ay kasalukuyan ...
05/04/2026

PABATID SA PUBLIKO!

Para sa mga naghihintay ng update hinggil sa ayuda ng DSWD Fuel Subsidy, ang POSO–TRU ay kasalukuyan pang naghihintay ng opisyal na abiso kung kailan at saan ito ipamamahagi.

Inaanyayahan ang lahat na patuloy na subaybayan ang aming mga opisyal na post para sa mga susunod na anunsyo at updates.

Huwag magpapaniwala sa mga kumakalat na fake news o hindi beripikadong impormasyon.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa.

PAUNAWA SA PUBLIKO​Nabatid ng aming tanggapan sa pamamagitan ng mga mensahe sa aming page na may ilang indibidwal na nag...
23/03/2026

PAUNAWA SA PUBLIKO

​Nabatid ng aming tanggapan sa pamamagitan ng mga mensahe sa aming page na may ilang indibidwal na nagsasamantala sa pamamagitan ng ilegal na pagtataas ng pamasahe. Lubos naming ikinabahala ang ulat na ito.

​Para sa mga Driver ng Tricycle:

Wala pang inilalabas na abiso ang ating lungsod ukol sa pagtaas ng pamasahe. Ang FARE MATRIX na inaprubahan ng lokal na pamahalaan ang tanging dapat sundin.

​Para sa mga Mananakay:

Kung sakaling makaranas ng paniningil nang higit sa itinakdang pamasahe, mangyaring I-REPORT ang BODY NUMBER ng tricycle at ang TODA na kinabibilangan nito sa tanggapan ng POSO-TRU San Pedro

​Ang ilegal na pagtataas ng pamasahe ay hindi pinahihintulutan at ito ay malinaw na paglabag sa batas.

18/03/2026
Basahin | Hindi lamang ang mga pasahero ang may karapatan; may karapatan din ang mga driver ng pampublikong sasakyan lab...
18/03/2026

Basahin | Hindi lamang ang mga pasahero ang may karapatan; may karapatan din ang mga driver ng pampublikong sasakyan laban sa mga abusadong pasahero.



PAGPUPUGAY SA MGA KABABAIHAN NG LUNGSOD NG SAN PEDRO​— Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month, matagumpa...
12/03/2026

PAGPUPUGAY SA MGA KABABAIHAN NG LUNGSOD NG SAN PEDRO

— Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Women’s Month, matagumpay na naisakatuparan ang programang "Libreng Sakay para sa Kababaihan" noong nakaraang Lunes, ika-9 ng Marso, 2026.

​Ang nasabing aktibidad ay naging posible sa pamamagitan ng inisyatiba ni Bb. Rochelle Cariño, RSW, Pinuno ng Gender and Development (GAD) Office, sa ilalim ng direksyon at suporta ni Kagalang-galang na Punong Lungsod Art Joseph Francis Mercado.

​Pangunahing layunin ng proyektong ito na kilalanin ang mahalagang papel ng mga kababaihan sa ating lipunan.

Nilalayon din nito na:
1. ​Magbigay-pugay sa dedikasyon at pagsasakripisyo ng mga kababaihang San Pedrense.
2. ​Ipadama ang suporta ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng direktang serbisyo.
3. ​Ipaalala ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay ng lahat ng kasarian sa kaunlaran ng ating lungsod.

​Ang Pamahalaang Lungsod ay nananatiling katuwang ng bawat kababaihan sa pagtataguyod ng kanilang karapatan at kapakanan. Taos-pusong pagkilala at saludo ang aming ipinapaabot sa inyong sipag at galing!



Paalala para sa mga mananakay ng Tricyle upang matiyak ang inyong seguridad at tamang serbisyo ng pampublikong sasakyan....
12/03/2026

Paalala para sa mga mananakay ng Tricyle upang matiyak ang inyong seguridad at tamang serbisyo ng pampublikong sasakyan.



Maligayang Buwan ng Kababaihan! 💜Bilang pagdiriwang ng Women’s Month, ang City Government of San Pedro ay magkakaloob ng...
07/03/2026

Maligayang Buwan ng Kababaihan! 💜

Bilang pagdiriwang ng Women’s Month, ang City Government of San Pedro ay magkakaloob ng LIBRENG SAKAY para sa lahat ng kababaihan ngayong Marso 9, 2026 sa sumusunod na mga terminal (Makikita sa larawan).

🕕 6:00 AM – 9:00 AM
🕕 6:00 PM – 9:00 PM

Isang simpleng paraan ng pasasalamat at pagpupugay sa lakas, sipag, at mahalagang papel ng bawat babae sa ating komunidad.

PAALALA:
Hindi po lahat ng JEEP at TRICYCLE ay may libreng sakay. Tanging ang mga sasakyang may nakapaskil na “Libreng Sakay” na tarpaulin lamang ang maaaring sakyan upang makalibre sa pamasahe.

Happy Women’s Month sa lahat ng kababaihan! 💜

🌸​PARA SA BAWAT JUANA: LIBRENG SAKAY SA LUNGSOD NG SAN PEDRO! 🌸​Bilang pagpupugay sa National Women’s Month, handog ng P...
07/03/2026

🌸​PARA SA BAWAT JUANA: LIBRENG SAKAY SA LUNGSOD NG SAN PEDRO! 🌸

​Bilang pagpupugay sa National Women’s Month, handog ng Pamahalaang Lungsod ang LIBRENG SAKAY para sa lahat ng kababaihang San Pedrense ngayong Lunes, March 9! 🚌✨
​Sa pakikipagtulungan ng ating Public Order and Safety Office (POSO) at ng mga lokal na TODA/JODA, titiyakin nating ligtas, maayos, at komportable ang inyong pagbiyahe sa ating mga lansangan.
​📍 Kailan: Lunes, March 9, 2026
🕕 Oras: 6AM–9AM at 6PM–9PM
👀 Paalala: Hanapin ang mga sasakyang may "Libreng Sakay" tarpaulin!
​Salute sa lahat ng kababaihan! Una ang Juana, ! 💜

31/01/2026
15/01/2026
City Government of San Pedro Public Order and Safety Office - City of San Pedro
02/01/2026

City Government of San Pedro Public Order and Safety Office - City of San Pedro

Address

9376+54H, Laguna
San Pedro
4023

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63288082020

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when POSO-TRU San Pedro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to POSO-TRU San Pedro:

Share