26/03/2025
𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐒𝐓𝐀𝐓𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓
𝐀𝐭𝐭𝐲. 𝐓𝐞𝐨𝐟𝐢𝐥𝐨 𝐄. 𝐆𝐮𝐚𝐝𝐢𝐳 𝐈𝐈𝐈, 𝐂𝐄𝐒𝐎 𝐕
"𝐒𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐭𝐫𝐚𝐧𝐬𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐠𝐫𝐨𝐮𝐩𝐬 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐧𝐢𝐧𝐢𝐰𝐚𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐓𝐌𝐏. 𝐓𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐨𝐝𝐞𝐫𝐧𝐢𝐬𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧!" ang pahayag ni Land Transportation Franchising ang Regulatory Board Chairperson Atty. Teofilo E. Guadiz III, CESO V kasama si Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Road Transport and Non-Infrastructure Ramon G. Reyes sa isang press briefing ngayong 24 ng Marso 2025.
Kasama sa Press Briefing ang ilang mga transport groups na pabor sa Public Transport Modernization Program (PTMP) tulad ng National Federation of Transport Cooperatives (NFTC), Tindig Cabarzon, Arangkada NCR, ALTODAP, ACTO, BusINA, at Pasang Masda. Dito din nagbigay sila Chairperson Guadiz, at Usec. Reyes ng mga kasagutan sa mga kritisismo galing sa mga ibang transport groups na tutol sa PTMP.
Dito din naiklinaro na ang 86% consolidation rate ay batay sa datos ng mga nagsipag-apply na Transport Service Entities (TSEs) para sa consolidation. Nabigyan din ang mga ito ng Provisional Authority (PA) o Certificate of Public Convenience (CPC) upang patuloy silang makapagbiyahe at magbigay-serbisyo sa ating mga kababayan.
𝐏𝐚𝐭𝐮𝐧𝐚𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝟖𝟔% 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐓𝐒𝐄𝐬 𝐚𝐧𝐠 𝐮𝐦𝐚𝐤𝐚𝐩 𝐬𝐚 𝐩𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐨𝐝𝐞𝐫𝐧𝐢𝐬𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐭𝐫𝐚𝐧𝐬𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐤𝐨.
Mariin din ibinahagi ni Chairperson Guadiz na mananatiling bukas ang lahat ng tanggapan ng ahensya upang sagutin ang mga katanungan tungkol sa PTMP at gumabay sa mga TSEs.