Perez Pacific TODA

Perez Pacific TODA (PPCTODA)

๐—ฃ๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—œ๐——โ•Napagkasunduan ng dalawang panig na pairalin ang pagsunod sa LTO MEMORANDUM CIRCULAR NO. 94-199, May 02, 1994 na...
26/03/2024

๐—ฃ๐—”๐—•๐—”๐—ง๐—œ๐——โ•

Napagkasunduan ng dalawang panig na pairalin ang pagsunod sa LTO MEMORANDUM CIRCULAR NO. 94-199, May 02, 1994 na may pamagat na โ€œAIDE-MEMOIRE REGARDING RETENTION AND AUTHORITY BY LTO TO REGISTER MOTORIZED TRICYCLES UNDER R.A. NO. 4136, AND GUIDELINES TO IMPLEMENT DEVOLUTION OF LTFRB'S FRANCHISING AUTHORITY OVER TCS PER R.A. NO. 7160 ISSUED BY DOTCโ€ na kung saan ay nagsasabi na ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ธ๐—ถ๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐˜๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐˜†๐—ฐ๐—น๐—ฒ-๐—ณ๐—ผ๐—ฟ-๐—ต๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ ๐—ฎ๐˜† ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—ป ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ผ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—น๐—ผ๐—ผ๐—ฏ ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ/๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป. Kung kaya, makapaghahatid lamang ang mga miyembro ng PPCTODA hanggang sa boundary sa Brgy. Rizal at sasambutin naman ng ALTODA patungong Alabat, Quezon.

๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ต๐—ฒ?
A. Php 50.00 - mula bayan ng Perez hanggang Brgy. Rizal
B. Php 25.00 - mula Brgy. Rizal/Brgy. Caglate hanggang bayan ng Alabat
*Sakaling magpapadiretso sa patungong Alabat Port ay magkakaroon ng karagdagang Php 15.00 alinsunod sa mga umiiral na taripa ng bawat bayan.

๐—›๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐—น๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐˜‚๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐˜€๐˜‚๐—บ๐˜‚๐˜€๐˜‚๐—ป๐—ผ๐—ฑ:
- Emergency Cases
- Senior Citizens at PWDs na hirap ng kumilos at lumipat ng ibang sasakyan
- Mga buntis at/o mayroong sakit
- Pagsundo sa pantalan ng Alabat sa kanilang immediate family
- ๐—Ÿ๐—”๐—›๐—”๐—ง ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—ฅ๐—œ๐—•๐—”๐——๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ฆ๐—”๐—ž๐—ฌ๐—”๐—ก

Humihingi po ng mahabang pang-unawa ang ALTODA at PPCTODA sa ating mga minamahal na kababayan. Ninais po ng dalawang panig na maisaayos ang sistema upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan at masawata ang mga hindi sumusunod sa patakaran ng transportasyon.

Maraming salamat po!

Mga minamahal naming kababayan, Perezians, ito po ang opisyal na page ng PPCTODA. Maaari po kayong magpadala ng...
06/03/2024

Mga minamahal naming kababayan, Perezians, ito po ang opisyal na page ng PPCTODA. Maaari po kayong magpadala ng message dito o sa aming numero, 09649703882 upang makasakay sa ating mga tricycle.

Makikita po sa larawan ang isa sa ating Tricycle Terminal na matatagpuan sa Quezon Street, Brgy. Pagkakaisa.

Salamat po!

06/03/2024
06/03/2024

Ito po ang opisyal na page ng Perez Pacific Tricycle Operators and Drivers Association o PPCTODA, ang nag-iisang samahan na regulated ng ating lokal na pamahalaan pagdating sa land transportation.

Para saan ba ang Page na ito?
-Kapag po kayo ay naghahanap ng tricycle na masasakyan, maaari po kayong magmessage sa Page na ito dahil ito po ang contact sa lahat ng driver na nakapila sa ating mga terminal.

Makakapili ba ako ng driver o tricycle na masasakyan?
-Upang bigyan po ng patas na oportunidad na kumita ang bawat driver at operator, kung sino po ang unang nakapila sa mga terminal ay siyang maghahatid sa inyo. Ito rin po ay para masiguro na ang masasakyan ninyo ay lisensyado at may prangkisa upang masiguro ang inyong kaligtasan at maiwasan ang pagkaantala ng inyong biyahe.

Kapag po ba nagcontact ako sa page na ito, susunduin po ba ako o kailangan ko pang pumunta sa terminal?
-Kung kayo po ay nakatira sa loob ng poblasyon o bayan, kayo po ay susunduin na ng driver.

Kung kayo po ay mayroon pang ibang katanungan, magmessage na lamang po kayo sa page na ito o sa ating contact number, 09649703882

Narito po ang taripa ng PPCTODA. Maaari po ninyong i-save ang picture na ito para maging basehan ng inyong bayad o pamas...
18/02/2024

Narito po ang taripa ng PPCTODA. Maaari po ninyong i-save ang picture na ito para maging basehan ng inyong bayad o pamasahe.

Kung mayroon pong mga driver na lalabag sa taripang ito, maaari po ninyong ireklamo sa ating kapulisan sapagkat ito po ay labag sa Kautusang Bayan blg. 2023-04.

Kung kayo po ay mayroon pang ibang katanungan, magmessage na lamang po kayo sa page na ito o sa ating contact number, 09649703882.

Salamat po!

Address

Quezon Avenue
Perez
4334

Telephone

+639649703882

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Perez Pacific TODA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Perez Pacific TODA:

Share