Athan Transport - Jeepney's

Athan Transport - Jeepney's No to Jeepney Phaseout❗️❗️❗️

18/04/2026

Transport Strike ng Manibela - Day 3,

Team Athan Transport - Jeepney's
Team MANIBELA

Gastos lang nga ba ang tingin naming mga operator sa mga rally? HINDI. Doon kasi kami nakatanaw sa resulta. Doon kami sa...
16/04/2026

Gastos lang nga ba ang tingin naming mga operator sa mga rally?

HINDI.

Doon kasi kami nakatanaw sa resulta.

Doon kami sa pang-long term solution.

Hindi kami titingin lang sa boundary na nawala dahil di nakabiyahe ngayong may transport strike.

Hindi kami titingin sa para ngayong araw na kita lang.

Nais parin naming manatili sa pamamasada ang mga jeep ng matagal hangga't kaya.

Hindi kami titingin sa nagastos namin sa rally makapagpakain lang ng mga driver namin na nagpagod at nagbilad sa araw na sumama sa rally.

May malasakit din kasi ang ating nga driver sa ating hanapbuhay kaya sila sumama.

Kaya dapat may malasakit din kaming mga operator sa aming mga driver at sa aming hanapbuhay.

Aanhin natin ang kita ngayon, kung may hangganan na lang ito at di na magtatagal.

Hindi lamang para sa mga tsuper at sa jeepney ang ating rally, kasama din po dito lahat ng umaaray sa pagtaas ng langis.

Kaya kung wala ka paring galit sa mga nangyayari sa Pilipinas at isa kang operator na maupo na lamang at maghintay na lang sa mga susunod na mangyayari ang nais.

Magaling ka nga.

Makikinabang ka sa mga resulta ng pagod ng mga nakiisa.

Kung akala niyo walang resulta ang pagpapahayag namin ng aming mga hinaing.

Doon kayo mali.

Meron at meron.

09/12/2025

Oorryytt😎🛞

Kaisahan ng MANIBELA  at ng Athan Transport - Jeepney's❗Maraming salamat sa aming mga butihing Driver at Operator sa pak...
30/11/2025

Kaisahan ng MANIBELA at ng Athan Transport - Jeepney's❗

Maraming salamat sa aming mga butihing Driver at Operator sa pakikipagkaisa sa sinagawang pagtitipon kanina sa Kalaw.

Ang ating pagkilos ay hindi masasayang dahil pinaglalaban natin ang ating kabuhayan at kontra kurapsyon. Bawat pagkilos ay nagpapakita ng ating kamalayan sa lahat ng nangyayari kaya may PAKIALAM tayo.

Walang sino man ang EXEMPTED sa epekto ng KURAPSYON.
Lahat tayo ay ramdam sa araw araw nating pamumuhay ang epekto nito kaya okay lang na MAGALIT ka dahil karapatan natin magREKLAMO.
TAYO ang nagluklok sa kanila kaya karapatan natin hanapin ang mga PANGAKO nila.

Address

Malibay Pasay City
Pasay City

Telephone

+9755388661

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Athan Transport - Jeepney's posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share