03/05/2025
π‘Fact: Ang electric bikes o E-bikes ay isang mode ng transportasyon upang tayo ay makatulong sa ating kalikasan upang mabawasan ang usok sa daan na malaking bagay para sa ating lahat maging bata man o matanda, kahit anong estado sa buhay kailangan po natin ng malinis na hangin. Ang NWEBA - New Washington E-bike Association ay binubuo ng mga ordinaryong mamayan ng bayan ng New Washington Aklan at nais po lamang makapaghanap buhay sa malinis na paraan upang aming matustusan ang mga pangunahing gastusin sa araw araw, makatulong sa aming pamilya, mabili ang pangangailangan ng aming mga anak at mahal sa buhay. Mahirap man po ang pagpapasada, kalaban ang init, ulan, alikabok sa daan pero lahat po yun ay kaya naming tiisin para maitawid ang isang araw para sa aming pamilya. Sa muli, kami po bilang mga myembro ng asosasyon ay sumusunod sa mga regulasyon na pinapatupad ng aming grupo na nakasulat sa aming Rules and Regulations at sa mga batas ng ating pamahalaan at higit sa lahat sa batas ng ating Poong Maykapal. Bilang ordinaryong mga mamamayan, nais po naming ipaabot ang aming pasasalamat sa mga myembro ng Sangguniang Bayan at Presiding officer upang kami ay maging accredited at lehitimong grupo. Subalit, kami bilang isang asosasyon ay may mga mithiin na sinuportahan at pinatibay ni Atty. Shimonette P. Francisco at kanyang mga kasamahan na ngayon ay nagnanais makabalik sa serbisyo sa bayan ng New Washington at kami bilang grupo ay patunay na WALA SA ESTADO SA BUHAY upang matulongan o masuportahan pinansyal man o bagay maging pangangailanagn man ng aming grupo o miyembro ay MADALI po silang malapitan. Mapapatunayan Po namin Yan na biskan mahigko among mga s**i dahil sa kakapasada, bukon man magara o branded ru among mga eambong, biskan amoy araw o amoy pawis dahil sa init, kami hay welcome na welcome sa kanila at sa kanilang bahay. Kami nagatindog makara para suportahan ru mga tawo nga may kabaeaka sa mga parehas kamon mga maintok pero may mabahol nga handom sa banwang New Washington.
TINDOG KAMI para sa ONE NEW WASHINGTON βοΈ