18/06/2026
Isang Karangalan para sa Legazpi Grand Terminal!
Lubos po kaming nagpapasalamat sa Office for Transportation Security (OTS), sa pangunguna ni Usec. Gilbert Cruz, sa pagbibigay ng pagkilala sa katapatan at integridad ng isa sa aming mga Security Guards na nagsauli ng isang pouch na naglalaman ng malaking halaga mula saating daily commuter.
Ang parangal na ito ay hindi lamang para sa aming awardee, kundi para sa buong LKY Grand Terminal Legazpi, Albay. Isa itong patunay na ang katapatan, malasakit, at tamang paggawa ng tungkulin ay may malaking halaga at nagsisilbing inspirasyon sa lahat ng naglilingkod sa publiko.
Isang malaking karangalan din para sa aming terminal na maanyayahang maging Guest Speaker sa OTS Flag Ceremony. Taos-puso kaming nagpapasalamat kay Usec. Gilbert Cruz at sa buong OTS Family sa tiwala, mainit na pagtanggap, at pagkakataong maibahagi ang aming karanasan at suporta sa adhikain ng ligtas, maayos, at mapagkakatiwalaang sistema ng transportasyon.
Ang pamumuno at dedikasyon ng OTS ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa amin upang higit pang paigtingin ang kultura ng integridad, propesyonalismo, at mahusay na serbisyo publiko.
Muli, maraming salamat po sa Office for Transportation Security, kay Usec. Gilbert Cruz, at sa buong OTS Family.