16/01/2026
Maling Naakusahan sa Iloilo: Hustisya, Naibalik para sa Isang Maxim Rider
Mga ka-driver, may totoong kwento kaming gustong ibahagi—lalo na para sa ating lahat na araw-araw nasa kalsada.
Noong September 2025, may isang Maxim rider sa Iloilo, si Kuya Eduardo, na nadawit sa isang drug case. Ang ginawa lang niya? Mag-deliver ng isang sealed package na na-book sa app. Trabaho lang—walang kahina-hinala at walang alam sa laman, tulad ng ginagawa nating lahat araw-araw.
Matagal at mabigat ang pinagdaanan niya, pero hindi siya sumuko. Sa buong proseso, aktibong tinutukan ng legal department ng Maxim ang kaso at nagbigay ng malinaw at maayos na suporta sa tulong ng aming mga abogado.
Noong November 21, 2025, naglabas ng desisyon ang korte: dismissed ang kaso. Ayon sa hukuman, illegal ang pag-aresto at walang ebidensya na may alam o intensyon si Kuya Eduardo sa anumang ilegal. Wala ring surveillance, test-buy, o kahit anong patunay laban sa kanya.
Malinaw ang sinabi ng korte: ang pagdadala ng package bilang rider ay hindi krimen. Kailangan ng kaalaman at intensyon—at wala iyon sa kanya.
Sa huli, nalinis ang pangalan niya. Naibalik ang kanyang dangal bilang isang marangal na driver na nagtatrabaho nang tapat.
Ang kwentong ito ay paalala sa ating lahat:
Kung makatanggap kayo ng delivery order na may package na kakaiba o kahina-hinala, may karapatan kayong tumanggi sa delivery o agad makipag-ugnayan sa Maxim support para sa gabay
Ang kumpanya ay nagbibigay ng legal na proteksyon sa mga driver-partners at ginagawa ang lahat ng makakaya upang mapanatili ang kanilang kaligtasan
I-share natin ito para aware ang lahat ng ka-driver. Laban lang nang tapat.