03/05/2026
Sa darating na Mayo 4, 2026, ang inyong lingkod ay maililipat sa ibang tungkulin ayon na rin sa kautusan ng ating mahal na Mayor Jennifer Austria Barzaga. Ako po ay naatasan pamunuan ang dalawang opisina ang Security Office/CCTV at ang City Environmental Sanitation Unit. Sa loob ng tatlo at kalahating taon ay pinamunuan natin ang tanggapan ng Traffic Management Office at dito nakilala ko ang mga masisipag at dedikadong kawani ng pamahalaang lungsod ng Dasmarinas. Bagamat marami tayong pagsubok na hinarap sa panahon ng ating panunungkulan, ito ay nagsilbing inspirasyon upang lalo pang pagbutihin ang ating paglilingkod sa ating mga kababayan.
Sa magigiting na staff, supervisor, motorcycle unit, traffic enforcer, taskforce at towing personnel maaring kayo ang maiiwan upang harapin ang mga darating pang mga pagsubok. Nababatid ko na anumang hamon ang dumating ay kaya ninyong pagtagumpayan dahil sa inyong puso't isipan ang matugunan ang kapakanan ng nakararami nating mga kababayan ang siyang pangunahing layunin. Bagamat tayo ay magkakahiwalay ng tanggapan, tayo ay iisa pa rin sa pagtugon sa serbisyo publiko na siya nating sinumpaan. Ipagpatuloy ninyo ang ating nasimulan. Maging tapat sa tungkulin. Maging mahinahon sa pakikitungo sa kahit sinuman at laging magsilbi ng may ngiti at pananalig sa kakayahan ng bawat isa at huwag kalimutan dumulog sa Panginoong Maykapal. Lagi ninyong tandaan na mayroon kayong kaibigan na ang pangalan ay ELOY at inyong makakasama sa panahon na kailangan ninyo ng masasandigan na handang makinig kung kailangan ninyo ng kausap.
Maraming salamat sa tatlong taon at kalahati ng puno ng saya. Mabuhay kayong lahat at mabuhay ang Lungsod ng Dasmarinas.