29/06/2022
📣𝐌𝐀𝐆𝐀𝐍𝐃𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐋𝐈𝐓𝐀!: 𝐇𝐈𝐆𝐈𝐓 𝐍𝐀 𝟐𝟒.𝟐 𝐌𝐈𝐋𝐘𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐍𝐀𝐍𝐀𝐊𝐀𝐘 𝐍𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐒𝐄𝐑𝐁𝐈𝐒𝐘𝐔𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐊𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐈𝐋𝐀𝐋𝐈𝐌 𝐍𝐆 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐑𝐀𝐂𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝐏𝐇𝐀𝐒𝐄 𝟑 𝐍𝐆 𝐋𝐓𝐅𝐑𝐁-𝐍𝐂𝐑
Sa pagpapatuloy ng Libreng Sakay ng Service Contracting Program Phase 3 ng LTFRB-NCR, nakapaghatid na ng serbisyo ang ating mga kooperatiba at korporasyon sa humigit-kumulang na 𝟐𝟒.𝟐 𝐌𝐈𝐋𝐘𝐎𝐍𝐆 pasahero sa National Capital Region.
Ang mga Modernized Public Utility Jeeps (MPUJs) sa rutang Lagro - Quezon Memorial Circle (QMC) ay muling bumiyahe noong ika-26 ng Hunyo hanggang ika-15 ng Hulyo 2022 upang makapaghatid ng serbisyo sa publiko. Ang pagpapatuloy ng inisyatibong ito ay lalahukan ng mga MPUJs na bumabiyahe sa nasabing lugar lamang.
Inaasahan naman ng ahensya na malaking tulong ang pagpapatuloy ng Libreng Sakay para sa mga mananakay sa nasabing ruta.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang LTFRB-NCR official page o makipag-ugnayan sa LTFRB-NCR Project Implementation Unit (PIU) Sa tel. no. 8929-6789 / 8926-6346 / 8925-7366 / 8925-7367 loc. 210.
Tara na sa biyahe tungo sa mas !