Sta.elena Toda

Sta.elena Toda Welcome to STA.ELENA TODA OFFICIAL PAGE

10/04/2024

ATTENTION TO ALL PASSENGERS
OF STA. ELENA TODA

1. Kailangan nag aabang na po ang pasahero sa harap ng bahay.

2. Kapag nagpasundo ang pasahero tapos dumating na ang trike ng sta elena toda, tapos sumakay na pala sa iba yung nagpasundo automatic na po ibablock na sa cp ng sta. elena toda.

3. Kung may reklamo kayo sa toda, wag kayong basta basta magpost sa fb. Kasi po nadadamay ang ibang trike driver. Pwede po kayo mag reklamo sa sta elena officer.

4. Kapag may nalimutan kayo sa bahay at bumalik ang trike sa elena , sana po magdagdag kayo sa pamasahe , kasi hindi nmn po bumababa ang presyo ng gasolina.

5. Huwag na po kayo magtext sa cp, puro tawag lamang po ang iaaccept namin, kasi ang nangyayari delay na yung dating ng text tapos sumakay na sa iba yung pasahero.

6. Pag tumawag kayo ng trike sa gate wag po kayo mag expect na masusundo kaagad, minsan ang nangyayari wala pang trike sa gate, tanungin muna yung dispatcher kung masusundo kayo at wala rin po reserve kasi po may mga pasahero din po naglalakad papuntang gate na syang priority isakay.

7. Pag sakay sa trike, sa gate palang po sabihin na kung buo ang pera para magawan na ng paraan, hindi yung bababa na kayo duon palang malalaman na buo pala ang pera nyo.

8. May rules po tayong apat lang po ang sakay ng trike, maski bata po ang sakay. May memorandum po tayo sa cityhall.

9. Halimbawa may pinuntahan kayo ibang destinasyon at pinag antay nyo po yung trike driver, sana naman po may dagdag na pamasahe, kasi po tumatakbo yung oras na paghihintay sa inyo.

10. Wag po sanang makialam sa driver kung saan ang tamang daan, minsan may nangyayari na one way na gusto pang idaan duon, wag naman po sanang gawin yun kasi po baka matikitan ang driver kawawa naman.

11. Kung may reklamo kayo or concerned mag message na lang po sa page ng sta elena toda.

12. Sa mga magpapasundo po mula phase 3 at phase 2, kung ang trike ay manggagaling sa gate may additional fare na po.
pero kung ang trike ay manggagaling sa volume at terminal sa phase 3 wala po additional fare.

13. Picturan nyo po ang loob ng trike na nasakyan nyo, may mga number po kami sa loob ng tricycle at nang sa gayon alam nyo kung ano body number.
Para kung sakali mang may naiwan kayo bagay or may reklamo...para madali malaman kung kanino kayo sumakay.

Respeto lang po sa message at comment, iisa lang po ang nais natin yung mapaayos ang pagbabyahe at maging maayos sa pasahero, kasi po hindi naman po kami nagrereklamo kung kami naman ang naaargabyado…
Thank You❤️❤️❤️

Address

Sta Elena Village, Antipolo City
Antipolo
1870

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sta.elena Toda posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Sta.elena Toda:

Share