Taxi Drivers Muna

Taxi Drivers Muna Pagkakaisa, Pagtutulungan at Paglilingkod Kasama, kadamay at katuwang sa tag-araw at maging sa tag-ulan.

19/08/2021

Ito ang totoong sitwasyon ng ating hanap-buhay.
Walang eskwela, pasok sa upisina, walang turista, sarado ang mga hotel, casino, airport at terminal ng bus. Kung bukas man ay maliit na bahagi lang.
Kayong mga operators tingnan nyo naman ang sitwasyon ng ating negosyo. Labanan nyo naman kami ng Hati sa kita kahit itong pandemya lang. Masyado kayong segurista. Gusto nyo Yung boundary system at bahala na ang mga driver gumawa ng paraan paano maibibigay ang boundary.
Diba kayo naaawa sa mga driver nyo? Natanong nyo man lang ba paano nabubuhay ang pamilya nila sa araw-araw sa gitna nitong pandemya. Puro lang kayo boundary, boundary, boundary... Natanong nyo man lang ba Kung kamakain pa sila?

Magastos pagtinamaan tayo ng covid.Hindi masama ang Bakuna. Subukan natin para may pa laban tayo sa araw-araw.Dagdagan p...
18/08/2021

Magastos pagtinamaan tayo ng covid.
Hindi masama ang Bakuna. Subukan natin para may pa laban tayo sa araw-araw.
Dagdagan pa natin ang panalangin sa Panginoong Diyos. Mahal Niya tayo at di Niya tayo pababayaan.

26/05/2021

Marami ang naniwala sa bakuna. Subalit meron din namang hindi. Wala tayong magagawa. Kanya-kanyang paniwala yan.
Tama. Ang Panginoong Diyos na lamang ang bahala.

Isang kataxi natin. . .Na-istrok.Dinalaw namin sa bahay sa Pinugay, Baras..Dun ko lang nalaman na sya pala ang ama ng is...
24/05/2021

Isang kataxi natin. . .
Na-istrok.
Dinalaw namin sa bahay sa Pinugay, Baras..
Dun ko lang nalaman na sya pala ang ama ng isang sikat na volley ball player ng isang pangunahing pamantasan na kasali sa UAAP at naging player din ng natl team. Nakita ko ang larawan ng anak sa dingding nila.
Ang naaalala ko lang sa kanya nung bago pa ma-istrok ay walang kayabang-yabang. Ordinaryong driver. Minsan namemenos pa ng mga batang driver. Makailang natanggal dahil hirap makuha ang boundary nitong pandemya.
Ang pagkatao nya ay mapagkumbaba at simpleng- simple lang.
Pagaling ka. . .
Ingat sa mga kinakain. Sana ay makatulong pa kami sa iyo.
Salamat sa mainit mong pagtanggap sa amin. Mangyari nawa ang kagustuhan ng Diyos sa atin.

Ang Pagibig.     Ni Rey St Domingo-Ang pag-ibig ay parang goma. Pag bumitaw yung isa, masasaktan yung isa.  -Ang pag-ibi...
15/05/2021

Ang Pagibig.
Ni Rey St Domingo

-Ang pag-ibig ay parang goma. Pag bumitaw yung isa, masasaktan yung isa.
-Ang pag-ibig ay parang plantsa. Pag di na mainit, di na kayang umayos ng gusot.
-Ang pag-ibig ay parang ketchup. Matamis, kaya madaming nakikisawsaw.
-Ang pag-ibig ay parang bumbay. Bigla bigla nalang dumarating.
-Ang pag-ibig ay parang ay parang cellphone na nahulog sa toilet bowl.
-Makukuha mo lang pag may lakas ka ng loob.
-Ang pag-ibig ay parang bubble gum na kahit anong klaseng nguya ang gawin mo darating pa rin sa puntong mawawalan ito ng tamis.
-Ang pag-ibig ay parang Foreign Language. Kung di pagaaralan, di maiintidihan.
-Ang pag-ibig ay parang tsinelas. Di ka makakapaglakad ng maayos kung wala yung isa.
-Ang pag-ibig ay parang sinampay. Nananakaw.
-Ang pag-ibig ay parang lotto. Kailangang sumugal para maka-jackpot.
-Ang pag-ibig ay parang joke. Minsan pilit, minsan masaya, minsan nakaksakit.
-Ang pag-ibig ay parang washing machine. Paikot-ikot lang.
-Ang pag-ibig ay parang sipon. Makapigil hininga.
-Ang pag-ibig ay parang mga kaibigang may kinakampihan. One sided.
-Ang pag-ibig ay parang turtle na may pakpak. Kalokohan.
-Ang pag-ibig ay parang larong Poker. All In ang tiwala at respeto.
-Ang pag-ibig ay parang bagyo. Hindi mo maprepredict kahit may PAGASA.
-Ang pag-ibig ay parang boxing. Di maiiwasang may masaktan.
-Ang pag-ibig ay parang bill ng kuryente. Maraming hidden charges, wala kang laban.
-Ang pag-ibig ay parang virus sa computer. Sinisira lahat ng pinaghirapan mo.
-Ang pag-ibig ay parang ipis na tinapakan. Akala mo patay na, yun pala buhay pa.
-Ang pag-ibig ay parang halaman. Kapag hindi inalagaan, mamamatay.
-Ang pag-ibig ay parang teleserye. Abangan ang susunod na kabanata.
-Ang pag-ibig ay parang ang paborito mong laruan. kahit pangit at sira na, ayaw mo pa ring bitawan.
-Ang pag-ibig ay parang damit. Hindi lng basta dapat bagay sayo. Dapat komportable ka rin.
-Ang pag-ibig ay parang trahedya. Nakakpagpapabago ng pananaw sa buhay.
-Ang pag-ibig ay parang tubig. Mahalaga pero inaaksaya.
-Ang pag-ibig ay parang Algebra. Parating panggulo ang “x” at laging may tanong na “y”.
-Ang pag-ibig ay parang Bible. Maraming lesson.
-Ang pag-ibig ay parang global warming. Di mo mamamalayang nararamdaman mo na pala.
-Ang pag-ibig ay parang antique furniture. Habang nagtatagal, nagmamahal.
-Ang pag-ibig ay parang Cobra Energy Dring. Kapag meron ka nito, wala kang talo!
-Ang pag-ibig ay parang ulan. Kung kelan di ka handa tsaka naman bubuhos, kung kelan nageenjoy ka na, tsaka hihinto.
-Ang pag-ibig ay parang planeta, tumitingin lamang sa bituin kahit hindi niya ito kayang abutin.
-Ang pag-ibig ay parang pagsasagot sa exam. Kinakailangang gamitin ng maige ang utak mo.
-Ang pagibig ay parang A*o. Ulol.
-Ang pag-ibig ay parang biogesic. Nakakapagpagaling kahit walang laman ang tiyan.
-Ang pag-ibig ay parang bulutong. Nagiiwan ng marka.
-Ang pag-ibig ay parang pagkain. Hindi dapat pinagaantay.
-Ang pag-ibig ay parang 3-day sale. Hinihintay.
-Ang pag-ibig ay parang cross stitch. Maraming pattern.
-Ang pag-ibig ay parang lobo. Once na binitawan mo, hindi na babalik sayo.
-Ang pag-ibig ay parang baha. Gaano man kalalim, mawawala’t mawawala din.
-Ang pag-ibig ay parang Wi-Fi. Madaling madetect, mahirap iconnect!
-Ang pag-ibig ay parang gutom. Lumilipas.
-Ang pag-ibig ay parang course. Minsan, hindi talaga para sayo. Kaya kailangan magshift.
-Ang pag-ibig ay parang imburnal..nakakatakot mahulog..at kapag nahulog it’s either aksidente o tanga ka lang talaga.
-Ang pag-ibig ay parang Math. Hindi nauubusan ng problema.
-Ang pag-ibig ay parang science. Maraming dapat patunayan.
-Ang pag-ibig ay parang Chemistry. Kailangan ng tamang elements para makuha ang tamang reaction.
-Ang pag-ibig ay parang PE. Minsan nakakapagod, minsan boring, minsan papawisan ka, minsan naglalaro ka lang talaga.

At ang huli, ang pag-ibig ay nakakangalay pala...magbasa..

PERO ANG WAGAS AT TUNAY NA PAG-IBIG (FUND) .."ANG MIYEMBRONG NAGHUHULOG NG TAPAT, BENEPISYO AY SAPAT!"

Dapat ay baguhin na ang prangkisa na "to any point of Metro Manila".Hindi ito malinaw. Any point of Metro Manila?Dapat a...
12/05/2021

Dapat ay baguhin na ang prangkisa na "to any point of Metro Manila".
Hindi ito malinaw. Any point of Metro Manila?
Dapat ay gawin ng any point of Luzon lahat ng units.
Iba na ang takbo ng panahon. Mabilis. Pinag-iwanan na ng panahon ang patakaran na iyan.
Ang mga bayan ng Cainta, Taytay at Antipolo, gayun din ang bayan ng Bacoor sa Cavite at mga bayan ng San Pedro, at Sta Rosa ng Laguna ay di na naiiba sa mga karaniwang lungsod ng Kalakhang Maynila.
Kaya dapat ay baguhim na yang patakaran na iyan.

Sa pilahan sa Alimall Cubao, paatras para ka makapila at makakuha ng pasahero. Paatras. . .Mahirap? Ginagawa dahil kaila...
05/04/2021

Sa pilahan sa Alimall Cubao, paatras para ka makapila at makakuha ng pasahero. Paatras. . .
Mahirap? Ginagawa dahil kailangan.
Sa buhay natin, may mga paatras na tagpo. Mahirap. Oo.
Pero dapat gawin kahit mahirap . . . Ginagawa natin para sa ating pamilya at kanilang kinabukasan.

18/03/2021

Masarap na kainan sa Pililia. Sinampalukang balat at karne ng baka. Wow talaga!

16/03/2021

Alam ba ninyo ito?
May palikuran na may bayad ng P5.00 sa Edison st cor Galvani st sa Makati. Pwede rin maligo kung nais mo.

27/02/2021

Sa gitna nitong pandemya, at sa hina ng ating kita, at sa taas ng boundary,
kaibigan, hindi ka nag-iisa!
Pare-pareho tayo. Mas marami tayong mapapala kung tayo ay magkakaisa. Kaya natin yun!

12/02/2021

Tama pa ba ang boundary system ngayong pandemya?
Hindi ba mas maganda kung yung KITA ay pagtapos tanggalin ang gas atbp ay hahatiin sa tatlo, sa driver, optr at taxi? Upang kahit papaano ay may siguradong matitira naman sa driver? Hindi bat sobra ng stress ng drivers sa ngayon?

08/02/2021

"Ang boundary system ay di tinalaga ng batas, memo circular, resolution, atbp. Pwede yan palitan ng ibang sistema tulad ng hati sa kita o 60:40 o anuman. Gumising na tayo mga kasama. Ibahin na yang sistema na yan na di na akma sa panahon ng pandemya. Magkaisa tayo!!!

Address

Antipolo
1900

Telephone

+639218974967

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Taxi Drivers Muna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Taxi Drivers Muna:

Share