03/12/2025
🎄 Taos-Pusong Pasasalamat sa ating Mahal na Yorme! 🎄
Lubos po ang aming pasasalamat kay YORME Isko Moreno Domagoso para sa maagang Pamaskong Handog na ibinahagi sa Pandacan Transport Service MPC. Tunay po itong nagbigay at saya sa bawat miyembro/empleyado ng aming kooperatiba. Sa panahon na maraming pinag-dadaanan ang bawat pamilya, napakalaking bagay po ng inyong malasakit at tulong na walang hinihinging kapalit.
Ang inyong patuloy na suporta sa aming samahan ay hindi lamang nakikita sa mga programang inyong ibinabahagi, kundi higit sa lahat ay sa tunay ninyong pagmamahal sa komunidad. Ang maagang biyayang ito ay magsisilbing alaala na hindi kami nakakalimutan at patuloy ninyong kasama sa inyong mga adhikain para sa mas maunlad at mas maayos na pamayanan.
Sa bawat miyembrong/empleyado na napasaya ninyo, sa bawat pamilyang nabigyan ninyo ng pag-asa, at sa bawat pusong naantig ng inyong kabutihan—mula sa amin dito sa Pandacan Transport Service MPC, isang mariin at taos-pusong MARAMING SALAMAT, YORME!
Nawa’y pagpalain pa kayo ng lakas, gabay, at karunungan upang magpatuloy sa paglilingkod. Maligayang Pasko sa inyong lahat at nawa’y maging masagana at makabuluhan ang darating na taon! 🎅✨🎁