17/03/2026
Ang sakit na. Totoo lang.
Habang tumataas ang diesel prices, parang walang nakakarinig sa sigaw ng tourism transport industry. โฑ114 per liter? Paano na kami?
Kami ang may vans, buses, tourist transport na ginagamit para maikot ang mga bisita sa Pilipinas. Kami ang tumutulong para buhayin ang tourism industry. Pero kami rin ang unang tinatamaan.
Bawat tour na ginagawa namin, kinakain na ng diesel ang kita.
Minsan halos wala nang matira.
Pero tuloy pa rin ang bayad sa:
โข Drivers
โข Maintenance ng sasakyan
โข Permits
โข Insurance
โข Taxes
Oo, taxes.
Kami ang nahihirapan, pero kami rin ang patuloy na nagbabayad.
Sa totoo lang, maraming tour operators at transport operators ang tahimik lang. Nag-aadjust. Nag-aabsorb ng losses. Pero hanggang kailan?
Yes, everyone is affected.
Pero may mga industriya na mas mabigat ang tamaโat isa kami doon.
Kung gusto talagang makatulong, sana naman tanggalin o bawasan ang excise tax sa fuelโpara lahat makinabang, hindi lang iilan. Because in reality, everyone is affected.
To the Philippine government, when will you hear us?
When will you see the tourism transport sector that keeps Philippine tourism moving?
Hindi kami naghahanap ng special treatment.
Pero sana naman may support, relief, at konkretong aksyon.
Because behind every tour, every tourist van, every tripโ
may mga negosyo at pamilyang umaasa.
And right nowโฆ nahihirapan na kami.
Mel Saint